DILG
National

Rehab program sa bansa, hiniling ng DILG na ibalik sa barangay

Hihilingin ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya nalang sa kanilang pangangasiwa ang drug rehabilitation effort para sa mga drug surrenderees sa bansa.

Aminado mismo si DILG undersecretary Martin Diño na hindi kakayaning i-rehab ng pamahalaan ang mahigit sa isang milyong apektado ng iligal na droga.

Nais nitong akuin na lang ang responsabilidad sa rehab katuwang ang mga barangay sa buong bansa.

Bukod dito ay hihimukin din ng DILG ang mga biktima na maging responsableng mamamayan na siya namang magiging katuwang din ng gobyerno sa pagsugpo sa nasabing pangunahing problema ng bansa.

Matatandaang, umabot na sa 1.2 million drug surrenderees ang naitala ng pamahalaan mula ng manungkulan si Pangulong Duterte sa puwesto sa ilalim ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP) at kalaunan ay ibinigay ito sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ulat ni Pol Montibon

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *