Regine
Showbiz

Regine, napaiyak sa Mother’s Day gift ni Ogie 

Napaluha sa kaligayahan ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez.

Ito ay matapos siyang bigyan ng isang surprise gift ng kanyang asawang si Ogie Alcasid ng bagong aso na kahawig sa dati nilang alagang aso na si George.

Kamakailan lang ay pumanaw  ang aso nilang si George na nakilala ng mga tao lalo na ng kanilang mga supporter dahil lagi itong kasama sa mga larawan ng veteran singer simula noong maliit pa lang ito at sa bawat yugto ng kanyang buhay.

Makikita sa Instagram account ni Ogie ang isang video ang pagkasorpresa ng misis sa ibinigay na special advance Mother’s Day gift.

Kahit ang anak nilang si Nate ay masayang-masaya rin para sa kanyang ina.

Bumuhos ang maraming komento mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz kabilang na sina Jaya, Vina Morales, Iza Calzado na kamakailan din ay namatayan ng kanilang alagang aso.

Tuwang-tuwa rin si Sharon Cuneta sa kanyang komento dahil bago lamang nilang napag-usapan ni Ogie ang tungkol sa surprise gift para sa asawa.

Celine Dion, may bagong album

Bumalik na sa recording ang Canadian superstar na si Celine Dion at siya ay may new single release para sa isang movie theme song.

Ang kanta ay may titulong ‘Ashes’ mula sa soundtrack ng upcoming anti-hero movie ng Deadpool 2 na pinagbidahan ni Ryan Reynolds .

Kabilang sa mga sikat na movie theme song ni Celine Dion ang ‘My Heart Will Go On’ para sa Titanic, ‘Beauty and the Beast’ mula sa Disneyland animated picture na kapareho ang title, ‘BecauseYou Love Me’ ng Up Close and Personal at marami pang iba.

Inaasahan namang ipalalabas ang  full soundtrack ng Deadpool 2 sa May 18 ng 20th Century Fox at Columbia Records.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *