Albayalde
Metro

Red October plot may basehan, pero walang seryosong banta

NANINIWALA si PNP Chief Oscar Albayalde na may basehan si Pang. Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito sa pahayag ng pangulo hinggil sa Red October ouster plot sa kanya.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP chief kasunod ng mga sinasabi ng mga kritiko na imahinasyon lang ang naturang pahayag.

Ayon sa pahayag ng pangulo, tangkang pagpapatalsik siya ng umanoy makakaliwang grupo na nakipagsabwatan sa Liberal Party at Magdalo group.

Ayon kay Albayalde, may unlimited access si Pang. Duterte sa mga samo’t saring intelligence information maliban sa PNP at AFP.

Kaya naibulgar niya ang tangkang pagpapatalsik sa kanya.

Para naman kay Albayalde, walang seryosong banta silang namo-monitor hinggil sa Red October Plot.

Ayon naman sa impormasyong nakuha ng AFP magsasagawa ang makakaliwang grupo ang malawakang kilos protesta.

Kasabay sa pag-atake sa mga himpilan o detachment ng pulisya at military.

Dahil dito, pinayuhan ni PNP Chief DGen Oscar Albayalde ang mga manggagawa na huwag magpadala sa panunuyo ng mga nasa kaliwa.

Dahil malaking problema lang ang kanilang kakaharapin.

Tiniyak naman ng pambansang pulisya ang seguridad sa posibleng malawakang kilos protesta sa October 17.

Hindi lang sa mga nagra-rally maging sa mga hindi kasama sa protesta.

Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *