Senator JV Ejercito
Metro National

Re-electionist Senator JV Ejercito, umaasa ng malaking boto sa urban areas

SA natitirang limang porsyento sa kabuuang bilangan ng boto sa bansa, umaasa si re electionist Senator JV Ejercito ng mas malalaking boto sa urban areas sa bansa.

Itoy para aniya makausad siya sa kaniyang kasalukuyang pwesto na pang labin tatlo.

Ayon kay Ejercito, mahalaga ang natitirang tatlong milyong boto sa kaniyang karera para ipagpatuloy ang programa nito.

Naniniwala si Sen JV na sa urban mas nalalaman at naiintindihan ang mga isinusulong nitong mga batas gaya ng Universal Health Care.

Batay sa tala ng Comelec, ilan sa mga lugar na hindi nakausad ang pangalan ni Ejercito ang mga probinsiya ng Pampanga, Tarlac, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Leyte-Samar, Negros Oriental, Zamboanga, Maguindanao, Surigao del Sur.

Sa ngayon nakakuha si Ejercito ng 13,876,548 na may halos isang milyong agwat sa sinundan nitong si Nancy Binay sa ikalabindalawang pwesto.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *