pasaporte ng Pilipinas
National

Ranggo ng pasaporte ng Pilipinas umangat

UMANGAT ang pwesto ng pasaporte ng Pilipinas sa listahan ng pinaka makapangyarihang pasaporte sa mundo.

Batay sa 2019 Henley Passport Index, nasa ika-74 na pwesto na ang Philippine passport.

Ito’y mula sa dating ika- 75 pwesto noong nakaraang taon.  

Sa kabila ng pagtaas ng ranggo, nananatili sa 66 ang bilang ng mga bansa at teritoryo na nag-aalok ng visa-free o visa-on-arrival access sa mga Pinoy.

Nangunguna pa rin sa listahan ang Japan na may 190 access.

Sinundan ito ng Singapore at South Korea na pawang may 189 access at France at Germany na may 188 access.

Habang pinakamahina ang Afghanistan at Iraq passports na pawang may visa-free access lamang sa tatlumpung travel destinations.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *