Golovkin
Sports

Random drug testing kay Canelo, iginiit ni Golovkin

Nakatutok pa rin ang kampo ni Unified Middleweight World Champion Gennady Golovkin na makalaban sa darating na Setyembre si Canelo Alvarez.

Matatandaang naunsyami ang kanilang nakatakdang rematch ngayong buwan matapos magpositibo si Canelo sa Clenbuterol isang banned na substance.

Ayon kay Golovkin, kailangan pa ring sumailalim si Alvarez sa random drug test bago ang kanilang laban kung matutuloy man sa Setyembre.

Duda naman ang kampo ni Golovkin na hindi matuloy ang laban dahil alam nitong hahabulin talaga ng kampo ni Canelo na makalaban siya sa ibabaw ng ring matapos ang kanyang naging panalo di pa lang nakakaraan.

Matapos mapabagsak si Martirosyan, nakamit ni Golovkin ang record na 20 consecutive title defenses.

Nauwi sa draw ang unang laban ni Golovkin at Canelo noong noong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *