OPEC
International

Qatar, kakalas sa OPEC sa gitna ng tensyon sa Saudi Arabia

MATAPOS ang 60 taon ay inanunsiyo ng Qatar petroleum ang pagkalas nito sa OPEC.

Sa gitna ito ng nagpapatuloy na tensyon ng bansa sa Saudi Arabia.

Ang Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC ay binubuo ng 15 mga bansa na mayaman sa langis.

At kumakatawan sa 44% ng langis at 80% ng oil reserves sa mundo.

Taong 2017 nang patawan ng Arab Gulf States sa pangununa ng Saudi Arabia ng economic at travel blockade sanctions ang Qatar.

Matapos akusahan na sinusuportahan ng nasabing bansa ang terorismo.

Depensa ng Qatar ay hindi ang tensyon sa Saudi Arabia ang dahilan ng kanilang pagkalas.

Kundi ang plano nitong palaguin ang natural gas production ng bansa ng mahigit sa 40% sa hinaharap.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *