Zealand
International

Pusa, bawal na sa isang lugar sa New Zealand

Napagdesisyunan ng local council ng Omaui, South Island, ng New Zealand na tuluyan ng ipagbawal ang pagdami ng pusa sa kanilang lugar.

Sa iminungkahing “pest plan” ng Environment Southland, lahat ng mga pusa sa Omaui ay kailangang iparehistro, lagyan ng microchip.

Kabilang ang pagtanggal ng kasarian o ipaneuter ng kanilang mga amo.

Nakasaad din sa proposal na kung sakaling mamatay ang alagang pusa ay di na maaaring bumili ng panibago.

Sa isang panayam kay Biosecurity operations manager Ali Meade ay ang perwisyong dala umano ng mga pusa sa kanilang halaman.

Kabilang sa pagkain sa mga native birds, insekto at reptiles ay mapanganib sa wildlife ng kanilang lugar.

Ayon naman kay Omaui Landcare Charitable Trust chairman John Collins ay makakatulong ang proposal upang muling dumami ang nauubos nang native animals sa kanilang lugar.

Isinusulong din ng New Zealand na maging predator-free ang bansa sa taong 2050 kung saan balak lipulin ang species ng mga possums, stoats at daga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *