Sports

Pulitika, hadlang sa pagbo-boksing ni Pacquiao

HINDI masama na pagsabayin ang career ng pagiging atleta at pagiging lingkod-bayan kung talagang bukal sa puso nito ang pagtulong sa sambayanan.
Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, hadlang umano kay Filipino boxing icon Sen. Manny Pacquiao ang pagiging abala nito sa kanyang pulitika.
Dagdag pa ni Arum, noon ay wala itong alam sa kung ano ang mga susunod na hakbang ni Pacquiao sa boxing.
Sa kabila ito ng mga umuugong na mga balitang sa 2018 daw magaganap ang rematch nito kay WBO welterweight champion Jeff Horn.
Matatandaang nag-back out si Pacquiao sa Nobyembre rematch kay Horn nitong nakaraang buwan dahil conflict daw sa kanyang schedule.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *