Metro

Public satisfaction rating ng Administrasyong Duterte, mataas pa rin ayon sa SWS Survey

Nanatili pa ring mataas ang public satisfaction rating ng administrasyong duterte batay sa bagong Social Weather Stations (SWS) Survey.
Sa resulta ng survey, pitumpu’t limang porsyento ang nagsabing kuntento sila sa performance ng national government, labing tatlo ang undecided at labing isa naman ang hindi nasisiyahan.
Ginawa ang survey mula Hunyo 23 hanggang 26 na nagresulta ng net satisfaction rating na good positive 64 na net satisfaction rating.
Pero mas mababa ito ng dalawang puntos sa March 2017 survey.
Lumabas naman sa survey na ang madugong war on drugs ng pamahalaan ang isa sa apat na isyu na tumatanggap ng very good mark.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *