National

Proteksyon ng mga migrante sa Saudi Arabia, tiniyak ng PRAASA

Taliwas sa mga illegal recruiters ay tiniyak naman ng Philippine Recruitment Agencies accredited to Saudi Arabia Inc. (PRAASA),  na sa pamamagitan nito ay mabibigyan naman ng proteksyon ang mga migranteng manggagawa partilukar na sa  bansang papuntang  Saudi Arabia
Sinabi ni PRAASA President Imelda Enriquez na sa naturang asosasyon ay matuturuan ang mga ahensiya at mga Overseas Filipino Workers (OFWs), kung ano ang mga batas na dapat ipatupad.
Aktibo rin ang PRAASA sa konsultasyon lalo na sa pagdating sa mga problema sa pasaporte.
Dagdag ni Enriquez na sa pamamagitan din ng PRAASA ay nagtulong-tulong din ang naturang asosasyon para mabuwag ang Gulf Approved Medical Centres Association (GAMCA), na nagpapahirap sa mga OFWs dahil sa napakamahal ng usaping medikal.
Tinatayang isang milyong OFWs ang kasalukuyang ang nasa Saudi Arabia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *