National

Profiling ng NHA sa Kadamay na umokupa sa gov’t housing sa Pandi natapos na


Natapos na ng National Housing Authority (NHA) ang profiling sa mga miyembro ng Kadamay na nag-okupa sa mga pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan.
Inamin din ng NHA na limampung porsiyento ang ibabagsak ng kanilang koleksiyon dahil sa nangyaring take-over ng Kadamay.
Paliwanag ng NHA, ang mga lehitimong may-ari ay tumanggi nang magbayad dahil sa naibigay naman nang libre sa Kadamay ang ilang mga nakatenggang pabahay.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay na lamang sa Kadamay ang mga nakatenggang pabahay ng gobyerno na inokupahan na ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *