gobyerno
National

Problemadong ahensya ng gobyerno, isasailalim sa kontrol ng pangulo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagdating nito sa bansa mula sa kanyang state visit sa South Korea, na isasailalim sa kanyang opisina ang mga problemadong mga ahensya ng gobyerno.

Ginawa ng pangulo ang anunsyo kasabay ng pagbabala sa mga kriminal sa loob o sa labas man ng gobyerno na may kaakibat na aksyon siyang gagawin laban sa mga ito.

“There will be changes in the coming days, including public order and security order. There are simply too many crime… and claiming to be this and that. Winawarning ko lang kayong mga kriminal, lahat na, nasa gobyerno o sa labas. For those offices na hindi talaga makontrol, I will place you under the Office of the President. Ako na mismo ang kaharap mo araw-araw.” – President Rodrigo Duterte

Dagdag pa ng pangulo na marami nang mga naganap na mga krimen at hindi aniya siya magdadalawang-isip na gamitin ang emergency powers para maisaayos ang lahat.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *