Miriam Kiram
National

Princess Merriam Kiram, nanawagan na bigyang-pansin ang Sulu

Umapela si Princess Merriam Kiram sa Philippine Government na bigyang-pansin ang Sulu.

Ayon kay Princess Miriam, biyuda ng ika-34 na Sultan ng Sulu, na kung isasama ng pamahalaan sa agenda nito, ang Sulu ay makatutulong ito na mawala ang terorismo.

Maliban pa rito ay marami pang mapapakinabangang yaman tulad ng ginto at langis na pinag-iinteresan din ng ibang bansa.

Sa katunayan, ayon kay Kiram ay mayroon silang masterplan para mapaunlad ang Sulu sa hanay ng pagnenegosyo at iba pang aspeto sa lipunan.

Kaugnay nito, patuloy na umaasa si Kiram na makausap ng personal si Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, tiwala naman si former Ambassador to Malaysia Alberto Encomienda na masosolusyunan ang isyu ng Sabah sa pamamagitan ng kooperasyon ng dalawang bansa.

Ang mas pinatatag na relasyon ng Pilipinas at Malaysia ay mas lalong makatutulong sa seguridad ng dalawang bansa at magkaroon ng mapayapang rehiyon.

Ulat ni Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *