National

Presyo ng mga produktong petrolyo tataas


Nakaambang muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Tinatayang 60 hanggang 70 sentimos ang madaragdag sa presyo sa kada-litro ng diesel.
Maglalaro naman sa 30 hanggang 40 sentimos ang dagdag sa presyo sa bawat litro ng gasolina samantalang tataas naman sa 50 hanggang 60 sentimos ang kada-litro ng kerosene.
Una nang nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng oil price hike nitong Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *