NAKAAMBA
National

Presyo ng mga produktong petrolyo, nakaambang tumaas

NAKAAMBA ang taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Dahil ito sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

Mula Lunes hanggang Miyerkules, tumaas ng P1.80 ang kada litro ng imported na diesel.

P1.20 naman ang iminahal ng imported na gasolina habang may dagdag na P1.50 sa kada litro ng kerosene.

Gayunman, ang price adjustment ay depende pa sa mga nalalabing araw ng trading.

Bukod pa sa nakaambang price adjustment ay magpapatupad rin ang ilang oil company ng dagdag presyo.

Dahil sa higit dalawang pisong excise tax.

Ibig sabihin, maliban sa dagdag na buwis ay ipapatong rin dito ang taas-presyo.

Bunsod ito ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *