paputok
Regional

Presyo ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan, tumaas

ILANG araw bago ang pagsalubong sa New Year ay tumaas ang presyo ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan.

Tinaasan ng supplier ng 30 percent ang presyo ng kanilang produkto kaya’t ipinasa ito ng mga nagbebenta sa mga mamimili.

Ayon na rin ito sa ilang may-ari ng tindahan ng paputok sa tinaguriang fireworks capital ng bansa.

Mabibili ng P35 hanggang P55/ 10 piraso ng Lucis.

Habang P20 hanggang P250 ang presyo ng fountain depende sa klase nito.

Nasa P400 naman ang presyo ng kwitis sa kada 100 piraso.

Habang P50 ang kada 100 piraso ng Sinturon ni Hudas.

Mabibili naman mula P800 hanggang P1,200 ang iba’t ibang aerial fireworks.

Habang P70 ang kada piraso ng trompillo.

Matumal pa rin ang bentahan ng mga paputok sa Bocaue dahil nagtitipid ang mga Pinoy.

At dahil na rin sa pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Gayunman, may ilan pa ring bumibili ng paputok gaya ng fountain sa Bocaue na galing pa ng karatig probinsya.

Habang ang ilan ay mga balik-bayang Pinoy.

Muli namang ipinaalala ng mga otoridad sa publiko na huwag bumili ng malalakas at iligal na mga paputok.

Biktima ng paputok mula Dec. 21-25, pumalo sa 13

PUMALO na sa labing tatlong katao ang naaksidente dahil sa paggamit ng paputok.

Batay sa naitala ng Fireworks-Related Injury (FWRI) surveillance report ng DOH.

Mula ito sa Disyembre 21 hanggang 25, labing dalawa ang nasugatan habang ang isa ay nakalunok ng paputok.

Sa nabanggit na bilang, tig-tatlo ang naitala mula sa National Capital Regon, Region 2 at Region 7.

Dalawa naman sa Region 6 habang tig-isa sa Region 9 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Kabilang sa nasugatan ay may edad mula 2 taong gulang hanggang 28 years old.

Mahigpit naman paalala ng DOH sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak.

Dahil inaasahang tataas pa ang nasabing bilang habang papalit ang bagong taon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *