de-latang pagkain
Metro

Presyo ng mga de-latang pagkain, posibleng tumaas

Posibleng tumaas pa ang presyo ng mga de-latang pagkain sa mga susunod na buwan dahil sa inflation rate.

Ito’y ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) kasunod ng hirit ng dalawang kompanya ng sardinas para sa muling pagtataas sa presyo nito mula .50 hanggang P1.50 kada lata.

Pero ayon sa DTI, pinag-aaralan nila ang naturang kahilingan upang matiyak na reasonable at hindi mahihirapan ang publiko.

Ngayong taon ay dalawang magkasunod na ng pagtataas ng presyo ang mga de-latang pagkain.

Kabilang rito ang sardinas, corned beef, meat loaf at sausages.

Bukod rito, binabantayan rin ng DTI ang presyo ng Pinoy tasty.

Ito ay matapos magtaas ng presyo ang asukal kasabay ng dalawang pagtataas din ng LPG.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *