presyo ng gulay
Metro

Presyo ng gulay sa ilang palengke sa Metro Manila, tumaas

TUMAAS ng P10 hanggang P20 ang presyo ng gulay sa ilang palengke sa Metro Manila.

Idinahilan ng mga vendor ang pagtaas ng presyo ng kanilang supplier kaya’t wala silang magawa kundi itaas din ito.

Mabibili ng 120 pesos ang kada kilo ng patatas, 40 pesos  naman ang kada kilo ng sayote habang 90 pesos ang bawat kilo ng carrots.

Nasa 140 pesos ang kada kilo ng repolyo, 220 pesos ang broccoli, 100 pesos ang kada kilo ng baguio beans.

Habang tig-80 pesos ang bawat kilo ng talong, ampalaya, sibuyas, kamatis at bawang at mabibili ng 20 pesos ang bawat kilo ng sitaw.

Bahagya ring tumaas ang presyo ng isda at karne sa ilang pamilihan kung saan nasa 160 pesos ang kada kilo ng bangos, 140 pesos ang galunggong at 120 pesos ang tilapia.

Mabibili naman ng 220 pesos ang bawat kilo ng karneng baboy, 380 pesos ang karne ng baka at 140 hanggang 150 pesos ang kada kilo ng manok.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *