Posibleng bumaba
National

Presyo ng bigas, posibleng bumaba

Posibleng bumaba ng hanggang siyete pesos kada kilo (P7/kg) ang presyo ng bigas kung maipapasa ng Kongreso ang panukala na paluwagin ang importasyon ng bigas.

Sinabi ni Finance Undersecretary Karl Chua na kapag naipasa ng maaga ang panukala ay makakaangkat na tayo ng murang bigas para bumaba rin ang presyo dito sa Pilipinas.

Ang pinakamurang bigas ngayon sa merkado ay mabibili sa 39-pesos bawat kilo (P39/kg), habang sa Thailand ay 19 pesos bawat kilo (P19/kg)at disi-syete pesos (P17/kg) naman sa Vietnam.

Binigyang-diin ng opisyal na hindi dapat isisi sa TRAIN Law ang pagtaas ng mga bilihin.

Ayon kay Chua, nakikita niyang dahilan ng inflation ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market, ang paghina ng piso kontra dolyar at ang mataas na presyo ng bigas.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *