National

Presidential Spokesperson Roque, inaming nagkamali sa pronouncement ng dagdag-sahod ng mga guro

AMINADO si Presidential Spokesman Harry Roque na ispekulasyon lamang niya ang kaniyang pag-anunsyo na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na doblehin ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Ito ang paliwanag ni Roque kasunod ng pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na walang sinabi si Pangulong Duterte na taasan ang sweldo ng mga guro.
Sinabi ni Diokno na hindi prayoridad ng gobiyerno na taasan ang sahod ng mga guro dahil sa mga popondohang infrastructure projects.
Una nang inihayag ni Roque na susunod na tataasan din ni Pangulong Duterte ang sahod ng mga guro ngayong taon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *