President Donald
International

President Donald Trump, excited nang makaharap si  President Kim  

Idinaan sa Twitter post, ni US President Donald Trump ang kanyang nararamdamang kagalakan sa nakatakdang pagkikita nito kay North Korean Leader Kim Jong-Un.

Sa kanyang post, sinabi nito na siya ay nagagalak na nasa Singapore na at nakakaramdam na ng excitement.

Umaasa rin ito na magiging matagumpay ang gaganapin na Summit.

“I have the expectation that this (summit) will be very successful.” – Pres. Donald Trump, United States of America

Bukas ang nakatakdang pagpupulong nina Trump at Kim sa Sentosa Island, sa Singapore.

Una nang dumating kahapon sa Singapore si Kim na sinundan ni Trump.

Nakausap na rin ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong si Kim at ngayong araw naman ay makikipagpulong ito kay Trump.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *