preemptive evacuation
Regional

Preemptive evacuation, ipinatupad sa Cagayan at Isabela

NAGPATUPAD na ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Cagayan at Isabela.

Kasunod na rin ito ng inaasahang paglapit sa kalupaan ng Northern Luzon ng Bagyong Ompong.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, kabilang sa mga inilikas ay ang mga residente sa labintatlong coastal barangays ng Buguey.

Kabilang ang labindalawang coastal barangays ng Calayan at dalawang coastal barangays ng Gonzaga.

Ilan sa mga ito ay nanatili sa mga evacuation center, mga kamag-anak o kakilala.

Nakahanda na ang kanilang relief goods at naipakalat na rin ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Kabilang sa idineploy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Samantala, nanawagan si Mamba sa national government na maglaan ng air assets.

Para marespondehan ang kanilang mga kababayan na nakatira sa isla.

Ipatutupad ang sapilitang paglilikas ng mga residente sa bayan ng Maconacon, Divilacan at Dinapigue sa probinsiya ng Isabela.

Ayon ito kay Isabela Provincial Disaster Officer Edmond de Guzman.

Kapag aniya ay dumating ang panahon na lumakas na ang ulan at hangin na dala ng Bagyo Ompong.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *