Showbiz

Post ni Joey De Leon sa Instagram tungkol sa pagkalunod, binatikos ng ilang mga taga-Kapamilya

GUMAWA ng ingay sa social media ang pag-post sa Instagram ng komediyanteng si Joey De Leon tungkol sa pagkalunod.
Sa post ni Joey na nasa bakasyon ngayon ay makikita ang kanyang pagligo sa Dead Sea habang ito ang caption: “Nuknukan ka na ng kat*ng*han kung malunod ka pa sa Dead Sea.”
Matatandaan na kamamatay lang ng isang Hastag member na si Franco Hernandez ng kakumpetensiyang programa sa noontime ni Joey dahil sa pagkalunod sa Davao Occidental.
Hindi man direktang tinukoy, ngunit di nagustuhan ng ilang kasamahan ni Franco ang post ni Joey, tulad ni Teddy Corpuz na nagsabing dapat ay hinayaan munang nagluksa ang kaibigan at kapamilya ni Franco at ipagdarasal na lang daw si Joey.
Habang si Paolo Angeles ay tinawag na “bastos” at “matanda” at wala umano itong paki kahit ito sikat.
Sa ngayon ay wala pang tugon si Joey sa isyu.
(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *