police escorts
Regional

Police escorts ng isang kongresista at alkalde sa Iloilo na nambugbog sa isang pulis, tinanggal ng PNP

Ipinag-utos na ni PRO-6 Regional Police Director Chief Supt. John Bulalacao ang pag-recall sa lahat ng mga police escorts nina Rep. Richard Garin at Guimbal Mayor Oscar Garin.

Ito ay matapos pagtulungan bugbugin ng mag-amang Garin ang pulis na si PO3 Federico Macaya sa loob ng istasyon ng pulis sa bayan ng Guimbal, Iloilo.

Ayon kay Bulalacao, hihilingin din niya sa DILG ang pagkansela ng mayors deputation sa PNP ni Mayor Garin para hindi na nito makontrol ang mga pulis sa Guimbal.

Samantala, sinibak rin ni Bulalacao sa pwesto ang chief of police ng Guimbal na si PSI Antonio Monreal dahil sa kawalan ng aksiyon para tulungan ang kaniyang tauhan na binubog.

Nilinaw ni Bulalacao na wala siyang personal na galit sa mga Garin pero kailangan nitong suportahan at protektahan ang kaniyang mga tauhan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *