National

PNP ‘welcome’ sa imbestigasyon ng CHR sa pagpatay sa ASG member sa Bohol

Bukas ang Philippine National Police (PNP) kung magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng pagpatay sa miyembro ng Abu Sayyaf Group na si Abu Saad sa Lalawigan ng Bohol.
Ayon kay PNP Spokesperson P/Ssupt. Dionardo Carlos, iniimbestigahan na ngayon ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) ang kasong ito bukod pa sa imbestigasyon ng Bohol PNP.
Ito ay kasunod ng report ng CHR na ito ay malapitang binaril sa ulo.
Sinabi ni Carlos na mahalagang malaman kung may kapabayaan sa panig ng mga pulis o may paglabag sa batas.
Base sa report ng PRO-7, nagtangka umanong tumakas at nang-agaw ng baril si Saad nang ililipat na ito sa Bohol District Jail.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *