National

PNP, wala nang mahihiling sa Pangulo

Wala na umanong mahihiling si PNP Chief Ronald Dela Rosa kay Presidente Rodrigo Duterte sa pamamalakad nito sa unang taon nito sa bansa.
Ayon kay Dela Rosa, wala na syang mahihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil naging supportive naman umano sa pambansang pulisya ang Pangulo mula pa noong unang araw ng Administrasyon.
Ngunit sinabi rin ni Dela Rosa na may mga gusto siyang hilingin sa Pangulo para sa PNP pero alam niya na hindi pa ito kayang ibigay kagaya nang budgetary constraints, at capability enhancement equipment. Meron din umanong mga pending na order si Dela Rosa na mga helicopter at high-powered firearms.
Dagdag pa ni Dela Rosa, alam niya na nais talaga ni Presidente Duterte na maibigay sa kanila ang lahat ng iyon kaya hindi na umano kailangan pa na sabihin sa Pangulo dahil na sa utak lagi ng Pangulo ang PNP, at dahil dito ay malaki ang kanyang pasasalamat sa suportang ibinigay ni Presidente Rodrigo Duterte sa pambansang pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *