Traslacion
Metro

PNP, umaasa na magiging maayos at mapayapa ang Traslacion

SA nagpapatuloy na Traslacion ng Itim na Nazareno ay umaasa ang kapulisan na magiging maayos at mapayapa ang aktibidad.

Simula ng umusad ang Traslacion kaninang alas singko ng umaga ay wala pa silang naitatalang krimen.

Ayon ito kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar.

Kasabay nito, nanawagan si Eleazar sa mga deboto na makipagtulungan sa kanila para mapanatiling maayos ang aktibidad.

Samantala, base naman sa tala ng Philippine Red Cross, lumobo na sa higit anim na raang deboto ang nadala sa kanilang medical station.

Karamihan sa mga ito ay nakaranas ng pagkahilo, nawalan ng malay at pagkasugat.

Nasa walong katao naman ang naitalang nagtamo ng major cases kung saan tatlo sa mga ito ay isinugod sa malapit na pagamutan.

Ecowaste Coalition, dismayado sa basurang idinulot ng Traslacion

DISMAYADO ang isang ng environmental groups na iwasang magkalat sa Traslacion.

Ito’y sa kabila kasi ng kaliwa’t kanang panawagan Ecowaste Coalition.

Tambak na basura ang naiwan ng libu-libong deboto ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Maging sa dinaanan ng andas ay nagkalat din ang mga basura.

Gayunpaman, agad naman dumating ang mga street sweeper na mga kawani ng MMDA at DPWH para maglinis sa iniwang kalat.

Marami rin ang mga tumulong na magpulot ng mga basura para malinis ang lugar na pinagdausan ng Traslacion.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *