Regional

PNP tiniyak na walang terror threat sa Cebu


Walang terror threat sa Cebu.
Tiniyak ito ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Senior Superitendent Dionardo Carlos matapos na magpalabas ang ibang bansa ng travel warning sa Visayas.
Ayon pa kay Carlos, ginagawa ng Task Group Cebu ang kanilang trabaho para tiyakin ang seguridad sa lugar samantalang patuloy na pinaghahandaan ang seguridad sa Bohol.
Magugunitang siyam ang napatay nang makasagupa ng pulisya at militar ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Bohol noong nakaraang Martes.
Naglabas ng travel warning sa Bohol ang South Korean Foreign Ministry para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *