anti-poor
Metro

PNP, itinangging anti-poor ang mga operasyon laban sa mga tambay

Itinanggi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na “anti-poor” ang kanilang operasyon laban sa mga tambay sa buong bansa.

Ayon kay Albayalde, matagal na nilang ginagawa ang ganitong klase ng operasyon subalit ang pagkakaiba ngayon ay nanggaling mismo sa pangulo ang direktiba.

Batid din ng PNP Chief na na-sensationalized lamang ang term na “tambay” kung kaya nagiging kontrobersyal ang kanilang operasyon.

Ayon kay PNP Chief Albayalde, “We are not arresting these people because of the word ”istambay” sila. They are being arrested or accosted and penalized because they have violations of ordinances not because they are “istambay.”

 Nilinaw din nito na ang mga tambay sa dis-oras ng gabi, ang mga naninigarilyo at nag-iinuman sa mga pampublikong lugar ang karaniwang basehan ng pulis para manghuli.

Hawak ng mga ground commanders ang pasya sa pagpapatupad ng operasyon.

Sound discernment, good judgement and of course respect for human rights. Yun ang basic na sinabi natin sa kanila,” dagdag pa ni Albayalde.

Papakawalan agad ng mga pulis ang mga nahuli na hindi nakapagtala ng paglabag.

Sa ngayon, ay wala pang natatanggap na reklamo ang Pambansang Pulisya na may nilabag silang karapatang-pantao sa kanilang operasyon.

Kaya mensahe ni Albayalde sa mga kritiko:

“The Human Rights Commission is not the court. If the court says that we stop implementing the law, then we will do it. Then if the court says we will do this, we will stop because it’s violative of the law of human rights then we will do it.”

MJ Mondejar

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *