National

PNP Chief Bato, tiniyak na magiging maingat na sa paglulunsad ng kamapanya ilegal na droga

IGINIIT ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na magiging maingat na ngayon ang mga pulis sa paglulunsad ng Anti-Illegal Drugs Campaign.
Ito ang tiniyak ni Dela Rosa sakaling ibalik sa poder ng PNP ang pangunguna sa war on drugs.
Ayon kay Dela Rosa, hindi na mauulit pa ang mga nangyaring insidente sa Caloocan kung saan ilang mga tauhan ng Caloocan Police ang sangkot sa kaso.
Kabilang sa mga kontrobersyal na kaso sa Caloocan ay ang pagpatay sa Grade-11 student na si Kian Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at ang pagnakaw ng mga pulis sa bahay ng isang matanda.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *