aberya
National

Plebisito para sa Bangsamoro Organic Law, nakaranas ng ilang aberya

Nakaranas ng ilang aberya ang isinagawang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL ngayong araw.

Kabilang sa mga naitalang insidente ang hindi agad natanggap ng karamihan sa mga voting center ang election materials, tulad sa Lanao del Sur.

Ayon kay ARMM Police Director Chief Supt. Graciano Mijares, kailangan pang mag-bangka ng mga otoridad para ihatid ang mga materyales sa eleksyon sa ilang liblib na lugar o malayong isla.

Samantala, nakatanggap ng mga banta sa pamamagitan ng text messages ang ilang guro sa Cotabato City dahilan para ma-delay ang botohan.

Nagkagulo sa unang araw ng plebisito ang mga botante sa Cotabato Chinese Institute.

Ito ay matapos magkagirian ang dalawang panig.

Agad humupa ang tensyon matapos dumating ang mga pulis.

Nabatid na may ilang indibidwal na nakapasok sa polling precints kahit hindi ito residente ng lugar.

Hawak na ng mga otoridad ang menor de edad na diumano’y nakaboto.

Sa ngayon, natapos na ang unang araw ng plebisito na isinagawa sa ilang lugar sa ARMM, Isabela City sa Basilan at Cotabato City.

Granada na walang pin, natagpuan malapit sa polling center sa Cotabato City

Kasabay ng pagsisimula ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL), isang granada na wala nang pin ang natagpuan, ilang metro lamang ang layo sa polling center sa Cotabato City.

Agad ring pinasabog ng Explosive Ordinance and Disposal Team ng PNP ang naturang granada na nadiskubre malapit sa Cotabato City National High School-Rojas Site sa Bagua, Cotabato City.

Sa kabila ng bomb threat, patuloy ang pagdagsa ng mga botante sa mga polling precint sa nasabing paaralan.

Sa ngayon, blangko pa ang mga otoridad sa posibleng nag-iwan ng granada sa lugar at kung may kinalaman ito sa BOL plebiscite.

Pagsabog sa bahay ng isang abogado sa Cotabato City, walang kaugnayan sa plebisito

Walang kinalaman sa nagaganap na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ang naganap na pagsabog sa bahay ni Judge Angelito Rasalan sa Barangay Rosary Heights, Cotabato City kagabi.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Ayon kay Albayalde, personal na motibo ang tinitingnan ng mga imbestigador sa pag-atake.

Kasunod ng pagpapasabog, mas hinigpitan pa ng mga pulis at militar ang pagbabantay at pagbibigay seguridad sa lalawigan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *