Land Reform Program
National

Planong gawing land reform ang Boracay, kinondena

Tila may hindi nauunawaan ang tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa paggiit na maaaring maisakatuparan ang Land Reform Program na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga mahihirap na residente sa Isla ng Boracay.

Ayon kay Senate Committee on Environment and Natural Resources Chairman Cynthia Villar, walang mangyayaring land reform sa isla bagkus ipamamahagi lang ang lupa hindi para gawing sakahan dahil malaking porsyento ng lupa dito ay forest land na malayo para gawing agricultural land.

Ayon kay Sen. Villar, “I think yung statement ni President Duterte ay bigyan ng lupa ang entitled sa lupa.
Yung mga inaaplayan na lupa ay mapapakinabangan nila para makaahon sa kahirapan.
Despite of the progress of Boracay ay marami pa ring naghihirap sa Boracay.
Kaya siguro ang intindi ng DAR, ila-land reform ang Boracay, which is impossible.
If you look at the report of Boracay, 300 hectares are forest land na hindi magagalaw .’

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, imposibleng maipatupad ang land reform dahil  hindi ito compatible bilang sakahan.

Kaugnay nito, umaasa ang dalawang senador sa maagang deklarasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaari nang buksan ang Isla ng Boracay sa unang linggo ng Setyembre para matulungan ang mga residente sa isla na apektado ng closure order.

Kumpiyansa ang senado na seryoso ang DILG sa pahayag nitong agahan ang pagtatapos ng rehabilitasyon sa Isla ng Boracay.

Pol Montibon

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *