basura
National

Pitong truck na basura nahakot matapos ang Translacion

NASA lima hanggang pitong truck na ng basura ang nahakot ng MMDA matapos ang Traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, ang nakolektang basura ay mula pa lamang sa Quirino Grandstand kung saan nagsimula ang Traslacion.

Inaasahan ng MMDA na makakakolekta sila ng sampu hanggang labindalawang truck ng basura sa buong ruta na dinaan ng Traslacion.

Sinabi ni Pialago na magpapatuloy ang kanilang clearing operation ngayong araw sa Quirino Grandstand, Quiapo Church.

Kabilang na rin sa kahabaan ng ruta na dinaan ng andas ng Nazareno.

Katuwang aniya ng MMDA ang mga local government agency sa pagkolekta ng mga basura.

Sa taya ng pulisya, pumalo sa apat na milyong katao ang dumalo sa lahat ng aktibidad sa Traslacion ngayong taon.

Ngayong taon, nagtapos ang Traslacion matapos ang 21 oras.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *