Pinoy swimmer
Sports

Pinoy swimmer Ernie Gawilan muling nakasungkit ng ginto sa Asian Para Games 2018

Muli na namang pinahanga ni Pinoy swimmer Ernie Gawilan ang hindi lang mga manunuod ng Asian Para Games 2018 maging ang buong pilipinas, sa pagkakasungkit muli nito ng isa na namang gintong medalya.

Ito ay pagkaraang tinapos ni gawilan ang men’s 100 meter backstroke sa oras na 1:19.9 seconds na naging tie pa kay Ejima Daisuke ng Japan.

Nakuha naman ni Singaporean Toh Wei Soong ang third spot with bronze medal.

Si gawilan ay makokonsidera ding kauna-unahang nakapagpanalo ng ginto sa asian para games history matapos maipanalo ang men’s 200-meter individual medley sm7 nitong nakaraang linggo.

Samantala, nakapag-ambag din ng tatlo pang gintong medalya ang chess team ng Pilipinas pagkaraang manalo nitong Miyerkules.

Sa ngayon ay nasa 11th place na ang Pilipinas sa rank standing na may 6 gold, 6 silver at 6 bronze medals.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *