Sports

Pinoy ice skater Michael Martinez, hindi pinagsisisihan na sumabak sa Winter Olympics

Walang pinagsisisihan si Filipino Olympic Figure Skater Michael Martinez sa naging resulta ng kanyang performance na tangkaing makuha ang gintong medalya sa Pyeongchang.

Kahit pa hindi pinalad na makarating sa top 24 sa preliminary phase ng kompetisyon si Martinez ay nagpapasalamat pa rin ito dahil meron umanong magandang dahilan ang lahat ng nangyari sa kanya.

Sa nasabing kompetisyon ang two-time olympian ay kabilang sa tatlumpung manlalaro na pumwesto lamang sa ranked 28th matapos ang pagsayaw nito sa yelo ng tugtog na “Emerald Tiger” ni Vanessa Mae. 

Dagdag pa ni Martinez na siya at ang kanyang coach ay ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya sa nasabing laro pero kahit na natalo ay wala itong pinagsisisihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *