Joyette Jopson
Sports

Pinay triathlete, maglalaro sa FWD North Pole Marathon

IBABANDERA ng Pinay triathlete na si Joyette Jopson ang Gilas at galing ng mga Filipino pagdating sa triathlon.

Ito ay sa nalalapit na FWD North Pole Marathon.

Lalahok ang 39-year-old Filipina sa makokonsiderang World’s Coolest Marathon kung saan kakarera sila sa 89° latitude north sa April 19.

Makakaranas naman ang lahat ng FWD participants ng -30° centigrade habang binabagtas ang nasa anim hanggang labindalawang talampakan ng yelo.

Ito ay sa ibabaw ng nasa 12,000 feet ng Arctic Ocean.

Kasama naman ni Jopson na kakarera sa marathon ay ang bansang Hong Kong, Japan, Vietnam, at Thailand.

Sa ngayon ay hawak-hawak ng seasoned triathlete na si Joyette Jopson ang tatlong iron man 70.3 titles.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *