pinagtatalunang teritoryo
National

Pinagtatalunang teritoryo, bahagi ng federal regions ng bansa

Tiniyak ng Constitutional Committee na mapapasama sa mga itinalagang federal regions ng bansa ang mga pinagtatalunang teritoryo.

Ito ay ayon kay dating Senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel, miyembro, ng Consultative Committee sa isang exclusive interview ng SMNI News.

Dagdag pa ni Pimentel, “Gusto kong idagdag na huwag nating kalimutan na kung ang Pilipinas ang pinag-uusapan natin ang Scarborough atin yun, ang Spratly atin yun pati na ang Benham Rise.”
“Ibig sabihin kailangan maliwanag sa lahat sa buong mundo na ang Pilipinas ay hindi lamang Luzon, Visayas at Mindanao.”

Sa federal government magkakaroon ng 18 federated region na mabibigyan ng sapat na kapangyarihan.

At upang matanggal ang extreme centralization sa itinuturing na Imperial Manila.

Paliwanag ni Pimentel na kung saan ang pinakamalapit na federated region ay doon magiging bahagi ang pinagtatalunang teritoryo.

Bahagi ng federated region ang Scarborough Shoal sa Zambales.

Bahagi naman ng Palawan Spratly Island, at Isabela Region naman ang Benham Rise.

Isinusulong din ni Pimentel na mapasama ang Sabah sa federated region ngunit aminado ito na hindi ito magiging madali.

Ayon kay Pimentel, “Gusto kong manatili sa kaisipan ng taumbayan, ang Sabah ay atin po ‘yun by historical right.”

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isusulong nito ang claim ng Pilipinas sa Sabah ngunit sa mapayapang paraan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng public consultation ang ilang miyembro ng con-com upang malaman ang pulso ng taumbayan kaugnay sa rekomendasyon nila para sa pagababgo ng Saligang Batas.

Inaasahan namang isusumite ng con-com ang propoposed constitutional ammendments ngayong Hulyo bago ang nakatakdang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *