National

Pilipinas, pasok sa 2018 Skytrax World Airport Awards

Ulat ni Cherry Light

Pasok ang Pilipinas sa Top Ten World Most Improved Airport ayon sa 2018 Skytrax World Airport Awards.

Sa isinagawang survey mula sa 13.73 million, 550 na paliparan ang sumagot sa buong mundo mula August 2017 hangang February 2018 ng may 100 nationalities of airlines consumers na ginawa sa salitang English, Chinese at Spanish.

Sa naturang survey nangunguna ang Rome sumunod ang Perth, Calgary, Taiwan, Athens, Nadi, Montreal, Moscow, Houston Intercontinental at ika-sampu ang Manila.

Sinabi naman ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal malaking hamon para sa kanila ngayon kung paano mapapanatili ang nasabing survey.

Nagpaabot naman ng malaking pasasalamat ang MIAA chief sa mga nagbigay ng panahon na maibahagi sa survey ang kanilang karanasan sa NAIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *