mamamahayag
National

Pilipinas, naalis na sa top 5 most dangerous countries para sa mga mamamahayag

Naalis na sa top 5 most dangerous countries para sa mga mamamahayag ngayong taon ang Pilipinas.

Batay sa taunang report ng freedom organization na reporters without borders, ang Afghanistan ang deadliest country o pinaka-mapanganib na bansa para sa mga journalist ngayong 2018 kung saan 15 ang nasawi.

Pangalawa ang Syria na may 11 deaths, pangatlo ang Mexico na may siyam na nasawing mamamahayag at pang-apat ang India na may 6 deaths.

Sa unang pagkakataon naman ay pumasok sa top 5 most dangerous countries ang Amerika kung saan panlima ito dahil sa 6 na nasawing journalists.

Lumabas din sa report na kabuuang 80 na mamamahayag ang namatay ngayong 2018, mataas kumpara sa 65 noong 2017.

Noong nakaraang taon ay kabilang ang Pilipinas sa 5 pinakamapanganib na bansa para sa media kung saan 3 journalist ang nasawi.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *