dapat humingi
National

Pilipinas, dapat humingi ng danyos sa China sa pinsala sa Panatag Shoal

Dapat humingi ng danyos ang Pilipinas mula sa China dahil sa pinsala sa mga bahura sa Scarborough o Panatag Shoal at nawalang kita sa mga mangingisdang Pinoy.

Ito ang iginiit ni acting Chief Justice Antonio Carpio kasabay ng pagsasabing dapat ding maghain ng bagong kaso ang pamahalaan laban sa China.

Idinahilan ni Carpio ang paglabag ng China sa kanilang obligasyon sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na protektahan at ipreserba ang marine environment.

Sinabi ni Carpio na ang coral reefs ang breeding ground ng mga isda at kung wala ito ay walang isda sa Panatag Shoal.

 Malakanyang, nanindigan na hindi magsasampa ng kaso vs China

Nanindigan naman ang Malakanyang na hindi magsasampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China.

Kaugnay ito sa pagkakasira ng coral reefs sa Scarborough Shoal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maaari namang daanin sa diplomasya at friendly consultation ang pakikipag-negosasyon sa China.

Aniya, ang pagsasampa ng kaso ay hindi makakatulong sa gumagandang relasyon ng Pilipinas at China.

Iginiit ni Roque na nagbunga na ang umiiral na bilateral consultation mechanism ng produktibong palitan ng pananaw na magpapalakas sa kooperasyon kabilang na ang maritime environmental protection.

Maging transparent sa mga kasunduan at transaksyon sa China

Dapat umano maging transparent ang pamahalaan sa mga kasunduan at transaksyon sa China.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Chiz Escudero.

Ayon kay Escudero, kailangan ding palakasin ng dalawang bansa ang kanilang back channel talks.

Ito aniya ay para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan o gusot sa pagitan ng Pilipinas at China.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *