Team Azkals
Sports

Philippine football Team Azkals, lilipad sa Bahrain

PUSPUSAN na nga ang paghahanda ng PH football Team Azkals sa paparating na AFF Suzuki Cup 2018 sa Nobyembre.

Gaganapin din ang Asian Cup 2018 sa pagpasok ng bagong taon.

Patunay dito ang paglipad ng buong PH team sa Bahrain para sa isang linggong training camp.

Magkakaroon din ng isang friendly match ang Azkals kontra sa host nitong Team Bahrain sa September 6.

Pangungunahan naman ni Cardiff City Keeper Neil Etheridge ang 22-man line-up ng Azkals.

Makakasama din ang mga pioneering clubmates na sina Phil at James Younghusband, Manny at Mike Ott at si Amani Aguinaldo.

Habang hindi naman magpaparticipate sa nasabing camp ang mga kilalang player na sina Javier Patino at Misagh Bahadoran.

Kasama naman sa bubuo sa 22-man line up ng Team Philippines ay ang mga footballer na sina:

Fitch Arboleda

Jovin Bedic

Louie Michael Casas

Dylan de Bruycker

Carlos de Murga

Patrick Deyto

Curt Jordan Dizon

Hikaru Minegishi

Paul Mulders

Junior Muñoz

Patrick Reichelt

Daisuke Sato

Adam Tull

Luke Woodland

Nathanael Ace Villanueva

Stephan Schrock

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *