elite brigade
National

Philippine Army, bumuo ng bagong elite brigade

Bumuo ang Philippine Army (PA) ng bagong elite brigade na kinabibilangan ng mga elite forces ng Militar.

Layon nito na ihanda ang lahat ng kanilang elite forces sa sandaling magkaroon ng anumang banta sa seguridad.

Pinangunahan ni Phil. Army Chief Lt. Gen. Macairog Alberto ang activation ng 1st Brigade Combat Team (BCT)

Ginanap ito sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na siyang magiging headquarters ng bagong binuong elite brigade.

Ang pangunahing misyon ng 1st BTC ay magsisilbing contingency force sa mga unified commands sakaling kakailanganin ang mga ito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *