person of interest
Regional

Persons of interest on Jolo bombing sumuko na

SUMUKO na sa mga otoridad ang apat na person of interest sa pagpapasabog sa Our Lady of Mt. CARMEL Cathedral sa Jolo, Sulu.

Kinilala ni 11th Infantry Division (ID) at Joint Task Force (JTF)-Sulu Commander Brig. Gen. Divino Rey Pabayo ang unang mga sumuko kahapon ng umaga.

Kabilang dito sina Alshaber Arbi, 18, isang Grade 11 student at Gerry Isnajil, guro sa Kalingalan Caluang High School.

Sina Arbi at Isnajil ay itinuturong mga miyembro ng Ajang-Ajang na nahagip ng CCTV kasabay ng pagsabog ng bomba sa simbahan ng Jolo.

Dakong naman alas tres ng hapon, boluntaryong sumuko naman sa pulisya ang dalawa pang suspek na sina Alsimar Mahamud at Julius Abdulzam.

Pinabulaanan naman nina Mahamud at Abdulzam na may kinalaman sila sa madugong pagpapasabog.

Itinanggi rin ng dalawa na kilala nila sina Arbi at Isnajil.

Sumuko aniya ang mga ito para linisin ang kanilang mga pangalan.

Mananatili muna sa kustodiya ng PNP ang mga ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon ito kay Western Mindanao Command Spokesperson Lt. Col. Gerry Besana.

 

Isang miyembro ng Ajang-Ajang Group, patay sa Patikul, Sulu

PATAY ang isang miyembro ng Ajang-Ajang Group matapos makasagupa ang mga tauhan ng Patikul PNP at Special Action Force sa Patikul Sulu.

Kinilala ang napatay na si Ommal Yusop.

Isa ito sa mga suspek sa kambal na pagpapasabog Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo.

Habang nakatakas naman ang isang alias Kamah at isa pa nitong kasamahan.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Bernard Banac, sila ang tinutukoy na mga suspeks sa magkasunod na pambobomba sa Jolo cathedral.

Sinabi ni Banac na nagpapatuloy ang hot pursuit operation laban kay alias Kamah at mga kasamahan nito.

Naglunsad na rin ng airstrike ang militar sa bahagi ng Patikul Sulu.

Matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin ang natitira pang grupo ng Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *