FAMAS Awards
Showbiz

Pelikulang Balangiga, humakot ng parangal sa 66th FAMAS Awards

Humakot ng mga parangal sa ika-66th na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS Awards ang pelikulang “Balangiga: Howling Wilderness”.

Ang naturang pelikula ay tungkol sa Philippine-American War.

Kabilang sa nakuhang awards ang Best Film, Best Production Design at Best Cinematography.

Nakuha naman ni Agot Isidro ang Best Actress Award sa kanyang pagganap sa pelikulang “Changing Partners” at Best Actor naman si Allen Dizon sa pagganap nito sa pelikulang “Bomba”.

Nasungkit naman ni Odette Khan ang Best Supporting Actress sa pelikulang “Bar Boys” habang Best Supporting Actor naman si Mon Confiado sa pelikulang “Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko”.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *