hinimok
Metro

PDEA, hinimok ang publiko na magbigay ng impormasyon para sa nationwide anti-drug ops

Labindalawang (12) informants ang ginawaran ng cash reward ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos magbigay ng impormasyon na naging daan para sa matagumpay nilang anti- drug operations.

Pitong milyong piso (P7-M) ang iginawad ng PDEA sa naganap na awarding ceremony nito sa kanilang national headquarters sa Quezon City.

Dalawang milyong piso naman ang pinakamalaking natanggap ng dalawa sa mga informant.

May apat na operating units ng PDEA ang binigyan ng cash reward dahil sa natatanging paganap nito sa mga anti-drug operations.

Nasa 7.5 million pesos ang ipinakaloob sa mga operatiba mula sa:

 

  • PDEA Special Enforcement Service  (PDEA-SES),
  • PDEA Intelligence And Investigation Service (PDEA-IIS),
  • PDEA Regional Office – National Capital Region (PDEA RO-NCR)
  • PDEA Regional Office III (PDEA-III)

Patuloy na hinihimok ng PDEA ang publiko na huwag matakot at patuloy na makiisa sa nationwide anti-drug operations ng PDEA

Para -ireport ang mga illegal drug activities at mapabilang sa Operation Private Eye, pirmahan lamang ang information report form sa pinakamalapit na PDEA station sa inyong lugar.

Maaring ipadala ang mga nakalap na ebidensya at impormasyon via email, fax, mail o messenger sa PDEA headquarters o e email sa iis.pdea@yahoo.com.

Bukas 24/7 ang PDEA Hotline para sa lahat ng mga anti-drug reports.

At para sa mga anti-drug reports, itext lamang ang mga sumusunod:

 

Text: Name of drug users/pushers and complete information
Send to: 
For Smart Subscribers: 0999-888-7332
For Sun Subscribers: 0925-573- 7332
For Globe Subscribers: 0927- 915-0616

MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *