scam
National

PDAF scam queen Napoles, tinanggal na sa WPP

Tuluyan nang tinanggal sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Base sa direktiba ni Justice Secretary Menardo Guevarra, inalis si Napoles sa kustodiya ng WPP simula nitong May 25.

Tiniyak ni Guevarra na wala nang banta sa seguridad ni Napoles sa loob ng Camp Bagong Diwa.

Kaya wala na umanong dahilan para palawigin pa ang provisional coverage ni Napoles sa WPP.

Matatandaan na si Napoles ang itinuturong utak sa multi-billion peso scam na kung saan ginamit umano ng mga mambabatas ang kanilang mga pork barrel.

DOJ, sinita ng COA dahil sa paglilipat ng pondo

Nasita ng Commission on Audit (COA) ang Department of Justice (DOJ) sa hindi otorisadong paglilipat ng pondong hindi nagamit sa ilalim ng panunungkulan ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sinabi ng COA na undocumented transfer of fund ang ginawa ng DOJ sa 2017 COA report na umaabot sa 621.646 milyong piso.

Natuklasan ng COA na walang otorisasyon ang paglilipat ng pondong DOJ mula sa regular account ng kagawaran tungo sa current account sa Land Bank of the Philippines.

Ayon sa COA, labag ito sa panuntunan ng Department of Budget and Management (DBM) at veto message ni Pangulong Duterte.

Itinanggi naman ni dating Justice secretary Vitalliano Aguirre III na may kinalaman siya sa isyung ito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *