spokespersons
National

PCOO, kinumpirma na may listahan na ng magsisilbing Spokespersons on Federalism

May napili ng magiging spokespersons ang inter-agency task force na siyang tututok sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa Pederalismo.

Ito ay ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

Aniya kanilang isasapubliko ang magiging Federalism Spokesman at agad na rin nilang sisimulan ang pangangampanya sa Pederalismo sandaling matapos ang pinal na pagpupulong ng inter-agency upang ikasa ang Federalism campaign.

Isa aniya sa agad na  gagawain ng PCOO ay ang  makagawa ng radio at tv advertisement habang makikipag-usap na rin aniya sila sa KBP para sa anumang posibleng maitulong nito sa information dissemination campaign ng gobyerno tungkol sa Pederalismo.

 

Nangangailangan din ani Andanar sila ng mga volunteer at ang sinumang interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *