National

PCG nakaalerto sa lahat ng pantalan sa bansa


Mananatiling nakaalerto ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos ang paggunita ng Semana Santa.
Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, na malaking bilang ng mga bakasyonista ang bumiyahe sa pamamagitan ng mga barko at iba pang mga sasakyang pandagat.
Bukod dito, katuwang din ang COAST GUARD ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtaya ng seguridad sa isinasagawang ASEAN Meeting ngayong buwan ng Abril.
Ayon kay Balilo, nakalatag din ang kanilang puwersa sa mga lugar na malapit sa mga pagdarausan ng ASEAN Meeting sa Bohol.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *