Patricia Fox
Metro

Patricia Fox, isinusulong gawaran ng Filipino Citizenship

Isinusulong ng Makabayan Bloc na mabigyan ng Filipino Citizenship si Sister Patricia Fox.

Sa House Bill 7806 na inihain sa Kamara, iginiit dito ang pagbibigay ng Filipino Citizenship kay fox bilang pagkilala sa kanyang tatlong dekadang serbisyo sa mga Pinoy.

Nagpasalamat naman si Fox sa hakbang na ito ng mga kongresista.

Noong nakaraang linggo ay nagdesisyon ang Bureau of Immigration (BI) na paalisin si Fox sa Pilipinas matapos bawiin ang missionary visa dahil sa pakikilahok sa mga kilos-protesta.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa bansa si Fox matapos ang ginawa nitong pag-apela sa DOJ na rebyuhin ang naging desisyon ng BI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *